Ang Liongo
II. Sumulat
Si Roderic P. Urgelles ang nagsalin ng liongo sa wikang filipino. Ang pagsasalin ng wika na ginawa ni Urgelles ay isang mabisang paraan upang ihatid sa mga mambabasa ang mensaheng nais iparating ng may-akda.
III. Settings
Sinaunang sibilisasyon ng bansang kenya, Kenya, Ozi at Ungwana, Shanga sa fosa, Bilangguan at Kagubatan.
IV. TauhanPangunahing Tauhan:
Liongo- Siya ay malakas at kasintaas ng isang higante
Mga iba pang tauhan:Mbwasho- Siya ang Ina ni Liongo
Sultan Ahmad- Siya ang pinsan ni Liongo at hinirang na bagong hari ng Pate
Watwa- Sila ang mga nananahan sa kagubatan
V. Buod ng Mito
Sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng kenya. Isinilang si Liongo. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Maliban sa makata si Liongo, siya din ay malakas at mataas tulad ng isang higante na hindi nasusugatan ng ano mang armas. Sa likod ng kanyang laki ay mayroon din siyang kahinaan na tanging siya at kaniyang ina lamang ang nakakaalam na kapag natamaan ng karayom ang kaniyang pusod ay siya'y mamamatay. Si Liongo ay naging hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at Shangha sa Faza o isla ng pate na unang napunta sa kaniyang pinsan na si Haring Ahmad (Hemedi) at kilala bilang kauna unahang namuno sa islam naging mabilis ang pagbabago mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng mga kalalakihan. Ikinulong at Ikinadena ni Haring Ahmad si Liongo dahil nais niya itong mawala, nakaisip si Liongo ng pagpupuri, habang ang mga parirala(refrain) ay inaawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na di nakikita ng mga bantay. Nang makita ito ng mga tao ay tumigil sila sa pagkanta. Tumakas si Liongo at nanirahan sa kagubatan kasama ang mga watwa. Nagsanay siya sa paggamit ng busog at palaso na ikinapanalo niya sa isang paligsahan na ito pala ay pakana lamang ng Hari upang mahuli at nakatakas siyang muli. Nagwagi muli si Liongo sa digmaan laban sa mga Gala(wagala) kaya ibinigay ng Hari ang kaniyang dalagang anak upang maging asawa nito si liongo at upang mapabilang siya sa pamilya nito. Nang lumaon ay nagkaroon ng anak si liongo na lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
VI. Aral ng Mito
Huwag kaagad-agad magtitiwala. Hindi porket kadugo mo wala ng gagawing masama sayo.
VII. Kung ikaw ang magbibigay ng kakaibang twist sa mito papaano mo ito bibigyan ng kakaibang twist? Hindi papatayin o tatraydorin si Liongo ng kaniyang anak. At hihintayin nitong maipasa sa kaniya ang kapangyarihan ng Ama na si Liongo.
No comments:
Post a Comment